Celebrity

Ogie Alcasid, Proud Na Ipinakita Ang Mukha Ng Asawa Na Si Regine Velasquez Kapag Wala Itong Makeup!

Sa mundo ng showbiz at telebisyon, kinakailangan na magkaroon ng isang maganda at presentable na pisikal na hitsura, lalo na sa tuwing humaharap sa kamera kung saan ipinapakita ng mga celebrities ang kanilang talento at husay sa kanilang larangan.

Isa sa dahilan kung bakit sila palaging maganda ay dahil sa imahe na kanilang hinahawakan.

Alam din naman natin na ang pagkakaroon ng magandang hitsura ay ang pinakamadaling paraan para mapansin tayo ng mga tao. Kaya naman iba’t ibang mga make-up at enhancements ang nakakatulong sa mga celebrities para sa kanilang trabaho bilang mga artista.

Kabilang na dito ang false eyelashes, maayos na kilay, matingkad na lipstick, at makapal na foundation. Ngunit alam naman natin na ang sobrang paggamit ng make-up ay maaaring makapag-resulta ng facial damage.

Kaya hindi na nakakagulat pa na ayaw ipakita ng ilang mga aktres ang kanilang mukha sa publiko nang walang make-up. Ngunit, marami pa ding mga celebrity na niyayakap ang kanilang mga imperfections sa katawan katulad ng mga ordinaryong tao.

Katulad na lamang ng beteranong mang-aawit at songwriter na si Ogie Alcasid. Marami ang humanga sa video na kaniyang ibinahagi sa kaniyang social media account kung saan makikita ang kaniyang asawa na si Asia’s Songbird Regine Velasquez na kakagising lamang.

Proud na ibinahagi ni Ogie ang kaniyang asawa na bagong gising at walang suot na kahit anong make-up.

Ngunit kahit walang make-up, makikita pa din ang natural na kagandahan ni Regine na hinangaan ng marami, lalo na ang kaniyang mahal na asawa na si Ogie na lagi nakasuporta sa kaniya.

Kaunti lamang ang mga artista na matapang na humaharap sa kamera ng walang make-up. Ilan lamang din sa kanila ang yumayakap sa kanilang imperfections at handang pakita sa kanilang mga followers at tagahanga kung sino talaga sila.

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back to top button