Celebrity

Mga Artista Na Nabuntis Sa Hindi Inaasahang Pagkakataon!

Tila nakasanayan na ng karamihan sa atin na mag-expect ng mga baby news sa ating mga paboritong celebrities pagkatapos maikasal sa kani-kanilang kasintahan. Gayunpaman, may iba naman na naghihintay ng mga balita kung mayroon ng growing baby bump ang ilang mga artista.

Kaya naman kadalasan ay tila hindi na tayo nagugulat sa mga announcements ng ilang celebrity na sila ay nagdadalang tao o buntis na. Ngunit may ilan pa din namang mga artista na piniling itago ang kanilang pagbubuntis ngunit nakukuha pa din masorpresa ang publiko.

Kilalanin ang mga celebrities na biglang nabuntis sa kasagsagan ng kanilang karera sa showbiz na ikinagulat ng publiko:

Kris Aquino

Bago pa man siya tinagurian bilang Queen of All Media, kilala muna si Kris bilang bunsong anak ng dating Presidente na si Corazon Aquino kaya naman lahat ng galaw nito ay mainit sa mata ng publiko.

Kakasimula pa lamang ni Kris sa showbiz noon ay umugong ang balita na may relasyon sila ng aktor na si Philip Salvador. Malaki ang pagtutol ng pamilya ni Kris kay Philip dahil bukod sa doble ang tanda nito sa aktres ay may asawa at mga anak ito. Ngunit taong 1994 ay ginulat ni Kris ang lahat nang aminin nito na siya ay 3-months pregnant na at nagsasama na sila ni Philip.

Ngunit hindi din nagtagal ang pagsasama nina Kris at Philip. Hindi lingid sa lahat na isa si Kris sa pinakakilalang single mom sa showbiz. Ngayon ay 26-year-old na ang anak nina Kris at Philip na si Josh.

Angelu de Leon

Ang kasikatan ni Angelu noong 90s ay maihahalintulad sa tinatamasang kasikatan ni Kathryn Bernardo ngayon. Sobrang sikat siya dahil sa kaniyang teen romantic series na T.G.I.S kasama ang dating ka-loveteam na si Bobby Andrews.

Ngunit taong 1998 at sa gitna ng kasagsagan ng career ni Angelu ay nagulat ang publiko sa balitang buntis ang aktres sa kaniyang secret boyfriend na si Joko Diaz. Ngunit hindi nagkatuluyan ang dalawa at pinalaki ni Angelu si Nicole ng mag isa.

Ngayon ay very proud mom si Angelu sa kaniyang 21-year-old daughter na si Louise Nicole de Leon

Katrina Halili

Si Katrina ay produkto ng reality artista search na StarStruck. Isa siya sa may pinakamatunog na pangalan noong 2006 hanggang 2007 dahil sa tinagurian siyang FHM back to back s3xiest woman. Pero tumamlay ang career ni Katrina nang masangkot sa eskandalo kasama ang prominenteng doktor at boyfriend ni Dra. Vicki Belo na si Hayden Kho.

Taong 2012 nang ginulat ni Katrina ang lahat nang aminin nila ng kaniyang then-boyfriend na si Kris Lawrence na tatlong buwan na siyang buntis. Kwento ng singer na si Kris, bago pa niya malaman na buntis si Katrina ay naghahanap na siya ng engagement at wedding ring dahil nais na niyang pakasalan ang aktres.

Ngunit hindi nagkatuluyan ang dalawa. Gayunpaman, nanatili silang magkaibigan. 8-year-old na ang anak nilang si Katie ngayon.

Valerie Concepcion

Sa kasagsagan ng career ng dating teen star na si Valerie Concepcion ay nagulat ang publiko sa balitang buntis ito. 16-year-old pa lamang si Valerie noon kaya pag-amin ng aktres na sobrang dismayado ang kaniyang mga magulang, lalo na at hindi nila alam na may boyfriend siya. Nalaman na lamang nila ito nang nabuntis si Valerie.

Niyaya mang pakasalan si Valerie ng ama ng anak ay hindi na din pumayag ang mga magulang dahil wala pa sila sa tamang edad. Hindi din nagkatuluyan ang dalawa ngunit hapiily married na ngayon ang aktres sa kaniyang non-showbiz partner na si Francis Sunga. Ngayon ay 14-year-old na ang anak ni Valerie na si Heather.

Bettina Carlos

Ngayon ay kilala ang aktres bilang TV host at successful entrepreneur, ngunit hindi na lingid sa lahat ang kwento ng biglaang pagbubuntis ni Bettina noong pasimula pa lamang ang pag-usbong ng kaniyang career sa showbiz. Lumabas si Bettina sa GMA show na Mulawin at sa Kapamilya show na Pinoy Dream Academy.

23-year-old si Bettina nang magulat ang lahat na buntis ito. Kalaunan ay ibinahagi din ng aktres ang sa publiko ang proseso ng kaniyang pagtanggap sa isang hindi inaasahang pagbubuntis habang nagsisimula na siyang sumikat bilang artista. Ang masaklap pa dito ay hindi niya boyfriend ang ama ng bata. Kwento pa ni Bettina ay mas lalong tumibay ang kaniyang pananampalatay sa Diyos.

Ngayon ay 9-year-old na ang kaniyang cute daughter na si Amanda Lucia o kilala sa palayaw na Gummy.

Kylie Padilla

Taong 2017 nang pumutok ang balita na naghiwalay ulit ang magkasintahang sina Kylie Padilla at Aljur Abrenica. Ngunit sa halip na break up issue ang pinag-usapan ay maugong ang balita na nagdadalang tao ang aktres sa anak nila ni Aljur. Parehong magaganda ang takbo ng kanilang karera sa Kapuso network. Naging tikom naman ang kampo ng dalawa sa nasabing issue.

Matatandaan noong taong 2011 sa panayam sa ama ni Kylie na si Robin Padilla, halatang hindi ito boto sa napapabalitang relasyon ng anak kay Aljur. Kaya marami ang nag-usisa sa reaksyon ni Robin sa napapabalitang pagbubuntis ng anak. Pero ayon kay Kylie ay naging maayos ang lahat nang ipaalam niya sa mga magulang ang kaniyang sitwasyon.

Ngayon ay 4-year-old na ang kanilang anak na si Alas Joaquin at may baby brother na din ito na si Axl Romeo.

Sarah Lahbati

Isa sa naging matunog na bali-balita noon ay ang buntis diumano si Sarah Lahbati, ang girlfriend ni Richard Gutierrez at kaya umalis ito sa bansa ay para maitago ang pagbubuntis nito. Natawa na lamang si Richard nang marinig ito at sinabing wala naman daw dapat pag-usapan dahil hindi naman daw totoo. Ngunit kumbinsido ang ilang netizens na buntis ang aktres dahil spotted ito na tila may baby bump na.

Nakiusap din si Richard sa mga miyembro ng press na huwag ng pag-usapan ang nasabing isyu. Hanggang sa natahimik na ang isyu pero nagulat ang lahat nang ilantad ni Richard at Sarah sa kanilang social media ang kanilang anak na si Zion. Patuloy na totoo lahat ang nagsilabasan na balita tungkol sa pagbubuntis ni Sarah. Kaya naman sobrang nag-trending ang big reveal ni Richard at Sarah. Ikinatuwa naman ng mga fans na sa wakas nakita na nila ang new member ng Gutierrez family sa unang pagkakataon.

Ngayon ay happily married na sina Richard at Sarah at may dalawang anak.

LJ Reyes

Sa kasagsagan ng career ni LJ ay nagulat ang lahat nang mag-file ito ng leave sa showbiz at nagpunta ng America. Matagal ng naiintriga na may relasyon sila ng kaibigan na si Paolo Avelino. Pero patuloy itong pinapabulaanan ng aktor. Sa kabila ng sunod sunod na public citings ay mariin pa ding iginigiit ng aktor na walang namamagitan sa kanila ni LJ.

Nang matanong naman ito sa leave ni LJ ay sinabi nito na may problema sa likod ang aktres at nagpapagaling lang ito sa Amerika. Pero kalaunan ay inamin din ng aktor na buntis nga si LJ. Sa isang panayam, ibinahagi pa ni Paolo sa isang reporter ang mga videos at ultra sound ng kaniyang baby sa sinapupunan nito.

Ngunit matapos makapanganak ay emosyonal na ibinahagi ni LJ na hiwalay na sila ni Paolo at mag isa niyang tinataguyod ang anak nilang si Aki. Ayon pa sa mga ulat, hanggang ngayon ay hindi pa sila nag-uusap ni Paolo at hindi din nito nakikita ang anak.

Jennylyn Mercado

Isa na yata sa pinaka-kontrobersyal na biglaang pagbubuntis sa showbiz ay ang nangyari sa StarStruck Ultimate Survivor na si Jennylyn Mercado. Taong 2008 nang magulantang ang publiko sa balitang buntis ang sikat na young actress sa boyfriend nitong si Patrick Garcia.

Una ay matapang naman na sinabi ni Patrick na pananagutan niya si Jennylyn. Sa katunayan ay nagpunta pa ang dalawa sa Makati city hall para magpakonsulta sa nalalapit nitong pagpapakasal. Pero ikinagulat ng lahat nang makita ang aktres sa isang interview na mugto ang mata at sinabi na hiwalay na sila ni Patrick.

Hinaing ni Jennylyn, simula nang mabuntis siya ay wala siyang nakukuhang suporta sa aktor, emotionall at financially. Ang labis na ikinasama ng loob ni Jennylyn ay nang mapanood niya si Patrick sa The Buzz kung saan tinanong siya tungkol sa kumakalat na balita na hindi siya talaga ang ama ng ipinagbubuntis ng kaniyang girlfriend.

Dahil sa nangyari ay desidido na daw si Jennylyn na buhayin na lamang ng mag-isa ang kaniyang anak. Mercado daw ang magiging apelyido ng kaniyang baby at pipilitin niya na palakihin ito ng maayos.

Ngayon ay 10-year-old na ang anak ni Patrick at Jennylyn na si Jazz. Walang duda na sobrang hawig ito sa ama nitong si Patrick. Sa pagdaan ng panahon ay mas pinili ni Jennylyn na magpatawad at ipakilala si Jazz sa ama nito. Sobrang naging emosyonal din ang pagkikita ng dalawa.

Masaya na ngayon sa kaniyang pamilya si Patrick kasama ang kaniyang mga anak. Samantala, masaya naman ngayon si Jennylyn kasama ang kaniyang partner na si Dennis Trillo.

Andi Eigenmann

Isa sa mga kwento na gumulantang sa showbiz ay ang Andi-Albie-Jake saga issue. Kaugnay sa nangyaring pagbubuntis ni Andi at sa kung sino ang ama ng dinadala nito. Taong 2011 at sa kasagsagan ng kaniyang career ay nagulat ang publiko sa balitang buntis si Andi at tahasang itinuro ang boyfriend na si Albie Casino na ama ng kaniyang ipinagdadala.

Consistent si Albie sa pagsabi na hindi siya ang ama sa dinadala ni Andi. Umani ito ng batikos mula sa publiko lalo na sa fans ni Andi. Marami ang nagulat nang mag-file ng blottery report ang ina ni Albie dahil sa nangyaring pangbubugbog sa kaniyang anak ng mga kaibigan ni Andi na nangyari sa isang bar.

Pagkatapos ng apat na taon ay hindi pa din nagbago ang pahayag ni Albie na hindi siya ang ama. Ayon pa kay Andi, hindi na niya ipagpipilitan pa kung ayaw kilalanin ng ama ang kaniyang anak. Pero taong 2016 ay nagulat ang lahat nang kumpirmahin ng pinsan ni Andi na si Jake Ejercito ang biological father ng anak ni Andi na si Ellie ayon sa DNA result nito.

Kinumpirma naman ito ni Jake sa kaniyang Instagram account. Walang naging komento si Andi tungkol dito. Ngayon ay masaya si Andi kapiling ang kaniyang partner na si Philmar at ang kanilang mga anak. Co-parenting naman kay Ellie ang estado nina Jake at Andi.

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back to top button