News

Isang Karpintero, Instant Milyonaryo Matapos Maibenta Ang Meteorite Na Bumagsak Sa Kaniyang Bahay

Sipag, tiyaga, at determinasyon ay isa lamang sa mga katangian na ating kailangan upang matupad ang ating mga pangarap sa buhay. Marami ding mga paghihirap at sakripisyo na kailangan nating tiisin upang magkaroon ng magandang buhay.

Ngunit minsan ay dumadating ang swerte sa ating buhay sa hindi natin inaasahang pagkakataon. Kaya naman kinakailangan na maging handa tayo at alamin kung ano nga ba ang dapat nating gawin kung sakali na ito ay mangyari sa atin.

Kagaya na lamang ng 33-anyos na karpintero na si Josua Hutagalung mula sa Indonesia na ngayon ay isa ng milyonaryo.

Naging instant milyonaryo si Joshua matapos niyang maibenta ang isang meteorite na hindi niya inaasahang malaglag sa kaniyang bahay.

Ayon kay Josua, isang araw ng Agosto habang abala siya sa trabaho sa labas ng kanilang tahanan ay bigla na lamang nalaglag ang meteorite sa kanilang bahay na hindi niya akalain na makakapagpabago sa kaniyang buhay.

Saad ni Josua, isang malakas na tunog ang narinig niya sa kanilang bahay kaya naman kaagad niyang hinanap kung saan ito nanggaling. Laking gulat na lamang niya ng matagpuan ang 2.2 kilo ng meteorite na bumagsak sa kanilang bahay.

Nang makuha niya ang meteorite ay mainit-init pa umano ito. Kaagad naman niyang pinasok ito sa kanilang bahay.

Paglalahad ni Josua,

“From my posting on Facebook, I received responses from hundreds of netizens, and the post was shared hundreds of times. As a matter of fact, there have been many local and international reporters who have come here to cover the incident.”

Kaagad nabili ang nasabing meteorite sa halagang RM7.6 million o nasa P88,920,000.

Napakaswerte nga naman ni Josua dahil sa mismong tahanan pa niya bumagsak ang meteorite sa dami ng bubungan at lugar na babagsakan nito. Kaya naman nais niyang magpatayo ng isang simbahan sa kanilang lugar. Nais din ni Josua na magkaroon siya ng anak na babae maliban sa tatlong mga anak na lalaki.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back to top button