Inspiring

Baguio Cab Driver Na Nagsauli Ng Nawawalang Luggage, Binigyan Ng Full Scholarship Sa Australia

Naaalala niyo pa ba si Reggie Cabutotan? Ang taxi driver mula sa Baguio na nagsauli ng nawawalang bagahe ng isang Australian businessman noong January. Siya ay isa na ngayong app developer at gumagawa ng isang transport app para sa mga Baguio tourist!

Matatandaan na nagawaran ng full scholarship si Reggie ng isang Australian na nakaiwan ng kaniyang mahahalagang gamit sa loob ng taxi ni Reggie.

Dahil sa katapatan na ipinakita ni Reggie, inalok siya ng Australian businessman ng internship sa isang Australian company kapag natapos niya ang kaniyang kurso kung saan aabot ng P1.7 million ang kaniyang starting salary kada taon.

Binigyan ng may-ari ng nawawalang bagahe si Reggie ng full scholarship para makapag-aral sa Australia. Siya ay nag-aaral na ngayon sa Vivixx Technical Academy at malapit na din niyang matapos ang application na kaniyang ginagawa na tinawag niyang “Taxi Coder Tour Guide”, isang application para sa mga turista sa Baguio.

Ayon kay Reggie, ang nasabing app na kaniyang ginagawa ay may pagkakatulad sa Grab ngunit ito ay dinisenyo lamang para sa mga pupunta sa Baguio.

Aniya,

“It is an app similar to the system used by Grab but is specially designed for tourist who come to Baguio.”

Hindi maipagkakaila na isa ang pagiging app developer sa mga in demand skills ngayon, lalo na sa ibang bansa. Kaya naman napakaswerte ni Reggie na makakuha ng pagkakataon para makapag-aral ng programming at coding.

Ang isang app designer ay ang siyang gumagawa at nagdidisenyo ng computer application para sa computers, mobile phones, at iba pang uri ng mga electronic devices.

Si Reggie ay isa lamang sa mga first batch ng mga estudyante na makakapagtapos ng four-week coding bootcamp. Siya ay nag-aaral kasama ang iba pang 19 na estudyante na mga chemical engineers, medical technologies, college dropouts, at high school graduates.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back to top button