Celebrity

Whamos Cruz, Patuloy Pa Din Na Nagbibigay Ng Tulong Sa Kabila Ng Mga Issue Na Kinasasangkutan

Sa kabila ng mga isyu na kinasasangkutan ngayon ng vlogger na si Whamos Cruz, patuloy pa din siyang nagbibigay ng tulong at mga donasyon para sa mga kababayang nangangailangan.

Nito lamang nga ay naging usap-usapan sa iba’t ibang social media platforms si Whamos matapos dumulong ang ina ng kaniyang girlfriend na si Antonette Gail de Rosario sa programa na Raffy Tulfo in Action para ireklamo ang vlogger.

Nakatanggap ng kaliwa’t kanang mga batikos at panghuhusga si Whamos mula sa online community, lalo na at pinupuna din ang kaniyang panlabas na kaayuan.

Ngunit sa kabila ng mga batikos at isyu na kinasangkutan, patuloy pa din ang social media influencer sa pagbibigay ng tulong sa iba.

Sa kaniyang YouTube channel, ibinahagi niya ang mga videos kung saan makikita ang mga tulong na kaniyang ibinabahagi sa mga kababayang nangangailangan.

Sa isang video na kaniyang in-upload ay makikita ang sako sakong relief goods.

Ayon sa kaniya, ipapadala niya ang mga ito sa lugar ng Nueva Vizcaya bilang tulong niya sa mga nangangailangan. Kasama sa relief packs ay noodles, bigas, canned goods, at pati na din ang timba.

Sinabi ni Whamos sa kaniyang video na huwag mahiya ang iba na humingi ng tulong sa kaniya.

Sa isang hiwalay na video, makikita naman na pinadalhan ni Whamos ng cash ang isang netizen.

Base sa video, nanghingi sa kaniya ang netizen ng tulong para makabili ng oxygen tank na kailangan ng kaniyang tatay na 79 years old. Saad ng netizen ay tira tirang oxygen na lamang ang nakukuha nila para sa kanilang ama sa ospital.

Dahil sa awa at pagnanais na makatulong, kaagad namang pinadalhan ng cash ni Whamos ang nasabing netizen.

Samantala, marami naman sa mga netizens ang humanga sa kabutihang loob at puso ni Whamos na kahit pa man binabatikos at nakakatanggap ng mga panghuhusga, patuloy pa din nitong ibinabahagi ang mga biyayang natatanggap sa mga nangangailangan.

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back to top button