Celebrity

Sharon Cuneta, Ginulat Ang Marami Sa Kaniyang Mirror Selfie Na Nagpakita Ng Mas Slim Na Pangangatawan

Hindi maipagkakaila na kahit ilang dekada na ang lumipas ay nananatili pa din ang ningning ng pangalan at reputasyon ni Megastar Sharon Cuneta sa industriya ng showbiz hanggang ngayon.

Sa kaniyang taglay na kagandahan at kahanga-hangang talento sa pag-arte at pagkanta, hindi na nakakapagtaka kung bakit marami ang humahanga at iniidolo siya. Kinikilala din siya ng lahat bilang nag-iisang Mega Star dahil sa kaniyang patuloy na kasikatan at tagumpay ng kaniyang karera.

Gayunpaman, sa kabila ng kasikatan at tagumpay na tinatamasa ngayon ni Sharon, nananatili pa ding nakaapak ang kaniyang mga paa sa lupa at ang kabutihan ng kaniyang puso. Sa kaniyang mabuting personalidad at magandang performance sa showbiz bilang isang celebrity, hindi na nakakapagtaka pa kung bakit labis ang suporta at pagmamahal ang kaniyang natatanggap sa kaniyang fans.

Ngunit syempre bilang isang artista, natural na para sa kaniya na maraming mga mata ang nakatingin at sumusubaybay sa mga kaganapan ng kaniyang buhay. Ngunit dahil sa pand3miya at madalang na lamang masilayan ngayon sa telebisyon si Sharon, sinisikap pa din ng kaniyang mga fans na maging updated sa lahat ng mga post niya sa social media.

At nitong Setyembre 29 lamang ay muling sinurpresa ni Sharon ang kaniyang mga tagahanga. Hindi dahil sa pagbabalik niya sa pag-arte o di kaya sa pagkanta, kundi dahil sa kaniyang pagbabalik-alindog.

Simpleng caption ni Sharon sa kaniyang mirror selfie,

“Hello!”

Hindi naman napigilan ng mga netizens na humanga sa larawang ibinahagi ni Sharon dahil kapansin-pansin dito ang malaking pagbabago sa katawan ng singer-actress.

Maging ang mga kapwa celebrities ni Sharon ay napabilib din at hindi mapigilang magkomento.

Saad ni Darla, “OMG dalaginding ang nanay ko!”

Komento naman ni Beth Tamayo, “Sexy!!!”

Puri naman ni Karen Davila, “Looking good”

“Sabi naman ni Cristina Gonzalez, “So slim!”

Maliban sa pagiging kilala bilang isang talented at sikat na celebrity, hinahangaan din siya ng marami noong kaniyang kapanahunan dahil sa kaniyang kagandahan at kas3ksihan. Ngayon ay tila nga binabalik na ng singer-actress ang kaniyang dating mas fit na pangangatawan.

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back to top button