Celebrity

Kylie Padilla, Ginulat Ang Marami Sa Kaniyang New Look, Hot Moves Ng Aktres Sa TikTok Videos, Viral

Kamakailan lamang ay ginulat ng aktres na si Kylie Padilla ang publiko sa kaniyang pinakabagong upload video sa kaniyang social media accounts. Marami ang nakapansin sa kakaibang look ni Kylie ngayon. Bukod kasi sa kaniyang short hair, kapansin-pansin ang tila pagbabalik-alindog at pagpapapayat ng aktres.

Kahanga-hanga din ang pagiging maangas na dating ni Kylie kapag siya ay umaarte na ng isang lesbian, pino-promote ng kaniyang upcoming movie na hindi lahat ng LGBTQ+ member ay hindi na pwedeng umibig.

Nito lamang, nagpaglingan pa sa TikTok moves ang usap-usapang Kapuso “couple” ngayon na sina Kylie at Andrea Torres.

Pareho din na kumasa ang dalawa sa Breakfast Challenge na nauuso ngayon sa TikTok.

Sa TikTok video ni Kylie, makikita na siya ay naka-all black fit habang ipinapakiata ang moves nito. Kapansin-pansin din ang pagiging hot ni Kylie sa kaniyang maikling buhok.

Saad ni Kylie sa kaniyang Instagram post at ipinalam sa publiko na sila ni Andrea ay mayroon ng TikTok accounts,

“We are no longer TikTok v1rgins.”

Samantala, sa isa namang TikTok post ni Kylie, siya ay umindak naman sa sayaw na La La La ni Jonas Baclao. Maging ang kaniyang kapwa celebrities ay bumilib din sa kaniyang TikTok post.

Sa katunayan nga niyan, ang unang video ni Kylie sa TikTok ay umabot na kaagad sa mahigit na 2 million views at may 200,000 likes. Ang pangalawang upload naman ni Kylie ay umabot na sa mahigit na 9 million views at umani ng 1 million likes.

Silipin ang ilang komento ng mga netizens sa bagong look ni Kylie:

“So beautiful…. She looks like the filipina version of the Actress in nevertheless…”

“She’s full of talent..and knows thE value of LOVE..VERY STRONG MOTHER ..”

“Grabe ang ganda na lalo, si ate Kylie ang mag papa tunay na lahat ng iniiwan gumaganda😹”

“She knows her worth that’s why she moved on so bravely ☺️”

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back to top button