Celebrity

Janella Salvador, Binabalik Na Ang Magandang Pangangatawan Ilang Buwan Matapos Ang Kaniyang Panganganak

Natural lamang para sa isang ina na makaranas ng mga pagbabago sa kanilang katawan at maging sa kanilang pagdedesisyon dahil ang tanging nasa isip nila ay ang ikabubuti ng kaniyang mga anak dahilan kung bakit minsan ay nakakalimutan na nilang alagaan ang kanilang mga sarili.

Talagang ang prayoridad ng isang ina ay ang kanilang mga anak at mangunguna ito sa lahat ng bagay ngunit ang mahalaga ay huwag pa din dapat niyang kalimutan na alagaan ang kaniyang sarili. Kagaya na lamang ng actress na si Janella Salvador na kahit isang hands-on mom sa kaniyang anak na si baby Jude Trevor ay hindi pa din niya pinabayaan ang kaniyang sarili. Ngunit hindi din naging madali ang prosesong ito para kay Janella.

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Janella ang kaniyang mga larawan kuha ilang buwan matapos niyang ipanganak si baby Jude. Kalakip nito ay ang kwento ng pinagdaanan niyang hirap bago maibalik ang dating alindog at slim na pangangatawan.

Ani Janella,.

“When I was pregnant with Jude, I promised myself that I would never forget self-care. I said I would take the time to do things that I love. Happy mum, happy family, right? But like many things in this world… it’s easier said than done.”

Sa pagtahak ni Janella bilang isang Mommy sa kauna-unahang pagkakataon, hindi siya handa sa mga natural na pagbabago na maaaring mangyari sa kaniyang pisikal na kaanyuan. Dahil dito, nawala ang kumpyansa niya sa kaniyang sarili.

Pag-amin niya,

“I lost all the remaining “vanity” that I had in me the moment Jude came into my life. My life revolved around him.”

Sa mga insecurities na kaniyang naramdaman noon, tila hindi na niya maramdaman ang dating pagkatao na punong-puno ng self-confidence at self-esteem. May pagkakataon pa nga na kinailangan niyang magsuot ng mga maluluwag na damit para lamang maitago ang kaniyang katawan na nadagdagan ng halos 40 pounds hanggang sa ayaw na niyang tignan pa ang kaniyang sarili sa salamin.

Aniya,

“I’m not gonna lie, I enjoyed every moment and I still do. But in those first few months, I physically did not feel like myself. I hid behind big coats, robes and loose clothing. The lack of sleep made me overeat so I was 40 POUNDS heavier than my ideal weight.”

Kahit pa man nawalan ng pag-asaw na maibabalik ang kaniyang maganda at dating pangangatawan, isang inspirasyon umano ang ibinigay sa kaniya nina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho nang alukan siya ng mga ito ng lip0suction.

Ngayon ay unti-unti na ding bumabalik ang s3ksi at magandang pangangatawan ng actress. Pinangakuan din niya ang kaniyang sarili na pahahalagahan at aalagan ang kaniyang pangangatawan kasabay ng pag-aalaga ng anak nila ni Markus Peterson.

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back to top button