Celebrity

Ivana Alawi At Marco Gumabao, Usap-usapan Matapos Kumalat Ang Video Nila Na Magkasama

Viral at usap-usapan ngayon sa social media ang mga personalidad na sina Ivana Alawi at Marco Gumabao matapos kumalat ang video nilang dalawa na sobrang sweet sa isa’t isa. Hindi tuloy mapigilan ng mga netizens na magtanong kung may special na nangyayari sa pagitan ng dalawa.

Sa Instagram stories ng isang Ann Murphy, makikita ang get together nilang magkakaibigan na ginanap sa isang tila private club. Kita sa videos na sila ay nagkakantahan at nagiinum4n.

Sa isang video clip, makikita na magkatabi sina Ivana at Marco kung saan mapapansin na nakahawak ang actor sa hita ni Ivana habang kumakanta ito.

Mapapansin din sa video na tila hindi alintana ng actress ang nakahawak na kamay ni Marco sa kaniyang hita. Kaya naman maraming netizens ang nagsasabi na baka may relasyon ang dalawa.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“nakasulat ba yan sa diary ni ano”

“Chipipay talaga c ivana”

“Friends lang sila. Sure ako.”

“Cute sila if sila”

“Yiee! Bagong loveteam!”

Samantala, hindi naman ito ang unang pagkakataon na na-link sa isa’t isa sina Marco at Ivana.

Nito lamang din ay napabalita ang tungkol sa dalawa matapos mayroong sumulpot at nabuong “MarVana”, pinagsamang pangalan nina Ivana at Marco, sa mismong Instagram account ng actor.

Sa larawan na ibinahagi ng actor sa kaniyang IG account, siya ay naka-shorts lamang at mayroong glass of wine na hawak habang nasa gilid ng swimming pool. Dati ng nagpo-post ang actor ng mga ganitong uri ng larawan ngunit dahil kay Ivana ay umabot ang nasabing post ng mahigit na 150,000 like at 1,800 comments.

Ito ay dahil sa comment ng actress-vlogger sa post na iyon ni Marco.

Komento ni Ivana,

“Asan credits ng photog?”

Sagot naman ni Marco,

“Excuse me like muna bago comment. kimawesome111, di ba?”

Ibig sabihin lamang nito ay magkasama sina Ivana at Marco noong mga oras na iyon. Ngunit ang tanong ngayon ng karamihan ay ang actor nga ba ang sinasabing manliligaw ni Ivana ngayon?

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back to top button