Celebrity

Dating PBB Housemate Na Si Lie Reposposa, Naglabas Ng Saloobin Sa Kaniyang Guro Sa ALS

Inihayag ng singer at dating housemate sa Bahay ni Kuya na si Lie Reposposa ang pagkadismaya laban sa kaniyang guro sa ALS na diumano ay sinisiraan siya sa kanilang group chat.

Si Lie ay nag-aaral sa ALS o Alternative Learning System para siya ay makapag-aral pa din sa kabila ng pagtatrabaho. Kahit pa man sikat at matagumpay na sa kaniyang karera sa showbiz industry, nais pa din makapagtapos ng singer ng pag-aaral.

Ngunit dahil sa kaniyang busy schedule sa trabaho, minsan ay nahuhuli siya sa pagpasa ng mga projects at requirements na kailangan sa kanilang paaralan.

Kaya naman lungkot at dismaya na lamang ang kaniyang naramdaman matapos malaman ang tungkol sa mga salita na binitawan laban sa kaniya ng isa sa kaniyang guro umano.

Siya ay nanghingi ng tulong dito para sa kanilang requirements ngunit sa halip na tulong ang natanggap niya mula dito ay pinahiya pa siya nito.

Ibinahagi ni Lie sa kaniyang mga social media accounts ang mga screenshot ng usapan sa GC o group chat na kasama umano ang naturang guro kung saan makikita na tinawag pa ng naturang guro si Lie na “feeling artista.”

Saad ni Lie,

“Diko alam anong mararamdaman ko maiiyak ba ako o maiinis. Gusto ko lang naman pag sabayin yong pag aaral at pagtatrabaho. Kaya nag ALS ako para matulungan ko magulang ko at para din sa future kahit papano. Makapag tapos nako. kaso di talaga mawawala mga gantong tao na gagawa ng paraan para pag mukhain kang walang alam.”

Dagdag pa ng singer,

“Sige po kayo nalang matalino kasi nakapagpasa kayo ng module at portfolio ng buo e. Ako kasi di ko kaya magbayad ng malaki para bigyan ng pasang awa na grades. Salamat sa Acting Teacher jan. Godbless ang Panginoon na bahala sayo.”

Samantala, kaagad naman kumalat sa social media ang nasabing post ni Lie at umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa online community.

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back to top button