Celebrity

Archie Alemania At Asawa Na Si Gee Canlas, Kinagiliwan Ng Mga Netizens Sa Kanilang Live Selling Video

Kinagiliwan ng mga netizens ang pagla-live selling ng comedian-actor na si Archie Alemania kamakailan lamang. Imbes kasi na ang ibenta niya ay mga damit, pabirong ibinenta ni Archie ang kaniyang asawa na si Gee Canlas sa kaniyang mga viewer.

Sa live selling video nilang mag-asawa, makikita si Archie na nakatayo habang hinihintay na dumami ang kanilang viewers bago simulan ang pagbebenta.

Ani Archie,

“Pataasin muna natin yung viewers natin bago tayo mag-live selling.”

Ngunit sa simula pa lamang ng live ng mag-asawa, mariin ng kinokontra ni Gee ang actor dahil sa paraan ng pagbebenta nito.

Sambit ni Gee sa kaniyang asawa,

“Hindi ‘yan tataas kasi hindi ka marunong mag-host. ‘Di ka marunong mag-host. Ayan na nga! Simple-simpleng live selling na nga lang hindi mo pa magawa.”

Ngunit kahit kinokontra ni Gee, ipinagpatuloy pa din ni Archie ang pagpapakita ng mga damit na kanilang ibinebenta.

Gayunpaman, muli namang pinagsabihan ni Gee ang kaniyang asawa dahil hindi niya gusto ang paraan ng pagla-live selling nito.

Pangaral ni Gee kay Archie,

“Sabihin mo ‘yung brand! Nakikita naman nila na jacket, na polo shirt!”

Sinunod naman ni Archie ang sinabi ng kaniyang asawa ngunit tila hindi pa din sapat para dito ang paraan ng kaniyang pagbebenta. Kaya naman muling nakatanggap ang comedian-actor ng pangarap mula kay Gee.

Saad ni Gee,

“Puwede ba gandahan mo ‘yung boses mo sa pagsasalita?! Mag-smile ka naman!”

Ngunit tila naubos na ang pasensya ni Archie sa kaniyang asawa dahil sa mga pangaral nito sa kaniya. Kaya naman hindi na din siya nakatiis at asawa na mismoa ng ibinenta niya sa kaniyang viewers.

Ani Archie kay Gee,

“Ako nabubw3sit na sayo ha!”

Pabirong sinabi ni Arcie sa kanilang viewers,

“O, kayo diyan! Kung sino may gusto sa inyo, i-mine n’yo na! Live selling ‘to.”

Dagdag pa niya,

“Sa inyo na ‘tong asawa ko, napakamabunganga nito! Pwedeng-pwede sa inyo…Ayun, sakto may nag-mine! I-screenshot mo na…Sa’yo na! I-send mo na kaagad yung details na ipapadala ko na yung asawa ko ngayon na!”

Marami namang mga netizens ang naaliw sa pagbebenta ni Archie sa kaniyang asawa na si Gee. May ilan pa ngang nag-komento dito ng “mine”.

Sa ngayon ay halos umabot na sa mahigit na 7 million views ang “live selling gone wrong” video nina Archie at Gee.

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back to top button