CelebrityNews

Ama Ni Angel Locsin, Isinugod Sa Ospital! Pray For Angel Locsin Dad

Ibinahagi ng aktres na si Angel Locsin sa kaniyang Instagram account ang video at picture kung saan makikita na isinasakay ang kaniyang 94-anyos na ama sa ambulansiya matapos nitong tamaan ng C0VID-19.

Base sa caption ng kaniyang Instagram post, nabanggit ni Angel na siya ay nakaramdam ng pagiging helpless at labis na kalungkutang nitong linggo dahil naiisip niya ang kaniyang ama at magiging sitwasyon nito sa ospital.

“Itโ€™s been a week of feeling helpless. Imagine having covid at 94. Now imagine being blind in unfamiliar surroundings.”

Sa kabila ng kaniyang pinagdadaanan ngayon, nagbigay naman ng mensahe ang aktres para sa mga PWD na kumakaharap din sa mga hamon ng buhay.

Saad ni Angel,

“So many realizations during this pand3mic. We all have our battles, but some definitely more than others. To the PWDโ€™s and everyone fighting their battles alone, kapit! This too shall pass”

Samantala, bumuhos naman ang mga panalangin at mensahe mula sa mga kasamahan ni Angel sa showbiz at mga netizens para sa paggaling ng kaniyang ama mula sa C0VID.

Narito ang ilan sa komento mula sa online community:

“Praying for Angel’s father to be healed by our Almighty Father , have mercy on him ๐Ÿ™๐Ÿ™๐Ÿ™๐Ÿ™”

“Sending prayers for his speedy recovery…God bless always๐Ÿ™๐Ÿ™๐Ÿ™”

“Praying for your dads recovery. I also lost my dad 2019 pa. I still missed him. Get well soon po”

“Get well soon sa Dadi mo angel ๐Ÿ™ kya gnun nlng Ang pagpphalga ni angel sa mga frontliner dahil sa Dadi nya”

Si Angel Locsin ay nakilala ng publiko matapos niyang gumanap sa ilang mga teleserye kagaya ng ‘Darna’, ‘The Legal Wife’, at ‘Mulawin’.

Matatandaan na naging usap-usapan si Angel matapos kumalat ang kaniyang mga larawan sa social media kung saan nakatanggap siya ng pangbo-body shame mula sa marami.

Gayunpaman, kaagad naman dinepensahan si Angel ng kaniyang mga tagahanga.

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back to top button