Inspiring

Tatay Na Naglalako Ng Taho Habang Karga Ang Kaniyang Isang Taong Gulang Na Anak, Umantig Sa Mga Netizen

Hinahangaan ngayon ng marami ang isang dakila at masipag na ama matapos kumalat ang larawan nito na naglalako ng kaniyang paninda habang karga ang kaniyang isang taong gulang na anak.

Naantig ang mga netizens sa isang tatay mula sa Binangonan, Rizal dahil pilit pa niyang kinakaya ang hirap na kinakaharap para sa kaniyang mahal na anak.

Kaagad na nag-viral ang larawan ng 30-anyos na tatay na si Richard Paclibare matapos itong ibahagi ng netizen na si Jam Perry Branch sa social media.

Ayon sa kwento ni Jam, wala umanong mag-aalaga sa anak ni tatay Richard kaya naman karga-karga niya ito. Kaysa wala siyang kitain sa araw na iyon ay napagdesisyunan na lamang nito na dalhin ang anak para maalagaan niya at may kita pa siya.

Mag-isa lamang si tatay Richard na tinataguyod ang kaniyang anak matapos silang iwanan ng kaniyang misis. Wala na dian silang komunikason dito kaya naman hindi na niya alam kung nasaan na ito.

Tanging pagtitinda ng taho ang pinagkakakitaan ni tatay upang matustusan ang pang araw araw na gastusin ng kanilang pamilya.

Saad ni tatay Richard ay mayroon siyang mga kapatid na maaaring magbantay sa kaniyang anak ngunit minsan ay mayroong mga ginagawa ang mga ito. Katulad na lamang nang makuhanan siya ng alrawan kasama ang kaniyang anak sa trabaho.

Sa mga larawan ay makikita na mabigat ang dala-dala ni tatay at ang kaniyang anak naman ay nakapasan sa kaniyang likod. Ngunit kinakaya ni tatay ang lahat ng ito kaya naman humanga ang mga netizen sa katatagan ni tatay.

Naisip naman ni Jam na i-post ang larawan at kwnto ni tatay sa social media para sila ay matulungan. Hindi naman nabigo si Jam dahil ang kaniyang kwento ay nag-viral online at marami din sa mga netizens ang kaagad na nagpaabot ng tulong dito.

Bukod sa mga indibidwal, nagpaabot din ng tulong ang lokal na pamahalaan ng Binangonan.

Marami naman sa mga netizens ang humanga sa pagiging dakilang ama ni tatay Richard sa kaniyang anak. Saad ng mga netizens, kahanga-hanga ang pagiging responsable at kasipagan ni tatay Richard. Isang magandang ehemplo at inspirasyoan si tatay sa lahat, lalo na sa mga magulang na nagsusumikap upang masuportahan ang kaniayang pamilya at hindi sumusuko sa mga pagsubok at problema na dumaan sa kaniyang buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back to top button