Social Media

Nanay Na Binuhusan Ng Kaning Baboy Ng Kaniyang Anak, Viral Sa Social Media

Isa na siguro sa pinakasimpleng kabayaran na maaari nating gawin para sa ating mga magulang na bumuhay at nagpalaki sa atin ay ang pagrespeto at pagmamahal sa kanila. Hindi maitatanggi na minsan ay mayroong mga pag-aaway o hindi pagkakaintindihan sa pagitan ng magulang at anak ngunit hindi ibig sabihin nito ay mayroon ng karapatan ang mga anak na bastusin ang kanilang magulang.

Nakakalungkot lamang isipin na talagang nangyayari sa totoong buhay ang pagbastos at pagpapahiya ng isang anak sa kaniyang magulang. Masakit lamang din isipin na ang magulang na inalagaan at minahal ang kaniyang anak ay itatrato lamang sila na parang basura.

Sa post ng netizen na si Willie Damasco, ibinahagi niya ang nakakaawang kalagayan ng isang matandang ina matapos umanong buhusan ito ng kaniyang sariling anak ng kaning baboy.

Saad ni Willie,

“85 years old na nanay gibuhusan og lamaw sa iyahang anak na tumboy, tarong ba gud na?!”

Nakita daw ni Willie kung paano binuhusan ng tomboy ng kaning baboy ang nanay. Ang kaning baboy ay mga pinagsama-samang sira o panis na pagkain na madalas na ipakain sa mga baboy kaya naman ito ay tinawag na ‘kaning baboy’. Hindi maganda ang amoy nito at masasabi ding madumi.

Sa nasabing post ni Willie, makikita na pinagtitinginan ng mga tao ang nanay sa daan habang ito ay puno ng kaning baboy. Nakakaawang tignan ang kalagayan nito na puno ng kaning baboy mula ulo hanggang paa habang ito ay naglalakad.

Samantala, marami naman sa mga netizens ang naawa kay nanay at nagalit sa anak nito dahil sa ginawa nito sa kaniyang ina.

Narito ang ilang komento mula sa online community:

“Ang sama-sama mong anak. Matanda na si nanay binigyan mo pa siya ng hinanakit.”

“Walang awa ang anak niya, dapat magpasalamat siya dahil pinalaki siya ng nanay niya.”

“Ayon sa Bible, sa pangalawang kautusan, igalang mo ang iyong ama’t ina nang sa gayon ay humaba ang buhay mo, di ka ba natatakot paparusuhan ka ng Diyos.”

Tunay nga na nakakadurog puso ang nangyaring ito kay nanay. Kahit ano pa man ang dahilan bakit nagawa ito ng anak sa kaniyang sariling ina ay hindi pa din makatwiran ang kaniyang ginawa. Lahat ng hindi pagkakaunawaan ay maaari namang madala sa maayos na usapan dahil ano man ang mangyari nararapat pa din nating galangin at respetuhin ang ating mga magulang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back to top button