Celebrity

Joel Cruz, Gumastos Ng Tinatayang P52 Million Para Magkaroon Ng Walong Anak

Sa panahon natin ngayon ay parami na din ng parami ang mga teknolohiya na nagagawa. Kaya naman tila ba ang mga bagay bagay ngayon sa ating mundo ay mas napapadali na lamang. Kagaya na lamang ng pagkakaroon ng anak kahit walang kapares. Ang surrogacy ay isang tulong medikal at proseso ng pagkakaroon ng anak para sa mga nais mabiyayaan ng anak kahit walang kapares. Ngunit hindi din biro ang prosesong ito at nagkakahalaga din ng ilang milyong piso.

Katulad na lamang ng tinaguriang Lord of Scent ng Pilipinas na si Joel Cruz na nakapagpatayo ng multi-million empire dahil sa negosyo niyang pabango na Aficionado. Ngunit saan nga ba nagmula ang interes ni Joel na magkaroon ng anak at paano humantong ito sa surrogacy?

Nagsimula ang interes ni Joel na magkaroon ng anak sa kaniyang kaibigan na si Ogie Diaz. Hinikayat umano siya ng actor-comedian na magkaroon ng anak sa tulong ng surrogacy dahil matagal na din niyang pangarap noon na magkaroon ng anak.

Ngunit sa ngayon ay hindi pa ginagawa sa Pilipinas ang surrogacy dahil ito ay itinuturing pa na elegal at kasiraan sa natural na proseso ng buhay. Kaya naman napagdesisyunan ni Joel na bumyahe patungo sa bansang Russia para isagawa ang surrogacy dahil legal na ang prosesong ito sa nasabing bansa.

Ngunit alam ba ninyo na tinatayang 52 million pesos ang ginastos ni Joel para magkaroon ng mga anak?

Nagbunga ng kambal ang unang proseso ng surrogacy. Pinangalanan ni Joel ang mga ito na sina Prince at Princess na ngayon ay 8 taong gulang na. Tinatayang nasa 12 million pesos din ang ginastos ni Joel para sa kaniyang kambal na anak.

Dahil sa kasiyahan at matagumpay na surrogacy, naisip ni Joel na magdadag pa ng mga anak at magkaroon ng malaking pamilya.

Nagkaroon ulit siya ng kambal na anak na parehong lalaki naman sa pangalawang proseso. Ito ay sina Harvey at Harry na ngayon ay 5 taong gulang na. Siya naman ay gumastos ng 11 million pesos para dito.

Sa tulong ulit ng surrogacy at ni Lilia, nagkaroon muli si Joel ng isa pang set ng kambal na lalaki at babae para sa pangatlong pagkakataon. Sila ay sina Charles at Charlotte na ngayon ay 3 taong gulang na. 11 million pesos din ang ginastos niya sa mga ito.

Ngunit hindi pa nakontento si Joel sa kaniyang anim na anak kaya naman naisip niya na magpa-surrogacy muli sa huling pagkakataon at nagkaroon naman siya ng dalawang solo babies sa magkaibang surrogate mother. Pinangalanan niyang Zaid at Ziv ang dalawang solo babies na ngayon ay 2-anyos na. Nasa 18 million pesos naman ang ginastos ni Joel para sa mga ito.

Ayon kay Joel, may ideya ang kaniyang mga anak sa proseso ng kanilang pinagmulan. Kaya naman kung dumating man ang panahon na magtanong sila ay ipapaliwanag niya sa kaniyang mga anak ang tungkol dito ng buong puso.

Sa panahon natin ngayon ay hindi na problema ang pagkakaroon ng anak kahit ikaw ay mag-isa lang at walang kapares. Sa tulong ng mga makabagong siyensya at medikal na proseso ay posible na ang lahat. Kahit pa man surrogacy o IVF man yan.

Hindi lang naman sa kasarian nasusukat ang pagiging isang magulang kundi pati na din sa kagustuhan mong magkaroon nito at pagpapakita ng iyong pagmamahal at pagiging responsable sa mga bata.

Proud na proud at masaya naman si Joel sa kaniyang naging desisyon kahit pa man naiiba sa karaniwan ang pamilya nito.

Saad niya,

“A proud father of 8 children! Single father, GAY, happy, responsible & very blessed!”

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back to top button