Inspiring

Isang Ama Na Mangingisda, Napagtapos Ang Kaniyang Tatlong Anak Sa Kolehiyo

[ads1]

Walang kahit na anong bagay o kahit na sino ang makakapantay sa pagmamahal na ibinibigay ng isang magulang para sa kanilang mga anak. Ginagawa nila ang lahat at nagsasakripisyo para lamang maibigay at matugunan ang pangangailangan ng kanilang mga anak.

Marami tayong makikita o mababasa online ng mga kwento ng pagsisikap at katatagan na nag-iiwan sa atin ng aral at inspirasyon.

Isa na nga dito ay ang kwento ng pagsisikap ng isang ama mula sa Iloilo na napagtapos ang kaniyang tatlong anak sa kolehiyo sa pamamagitan ng kaniyang hanapbuhay na pangingisda. Hindi lamang isa o dalawa kundi tatlong Cum Laude ang mga anak ni tatay na nakapagtapos ng kolehiyo.

Nakilala ang dakilang ama na ito na si Mang Ramil Montalbo, isang mangingisda sa bayan ng Iloilo. Ayon kay tatay Ramil, noong bata siya ay walang kakayahan ang kaniyang ama na mapag-aral siya. Kahit pa man gusto niyang makatapos noon at matupad ang kaniyang pangarap na maging isang sundalo para maglingkod sa bayan ay hindi ito maaari dahil na din sa hirap ng buhay na nararanasan nila noon. Kaya naman sa kaniyang murang edad ay naranasan na niyang magbanat ng buto at pasukin ang iba’t ibang hanapbuhay upang makatulong sa kanilang pamilya.

Simula noon ay tumatak na sa kaniyang isipan na siya ay magsusumikap pa sa buhay lalo upang hindi maranasan ng kaniyang mga anak ang kawalan ng kalidad na edukasyon. Sinikap ni Mang Ramil na igapang ang kaniyang mga anak hanggang sa kolehiyo at nagbunga naman ang lahat ng sakripisyo at hirap niya. Matagumpay na nakapagtapos ang tatlong anak ni Mang Ramil. Proud at masayang masaya si Mang Ramil para sa narating ng kaniyang mga anak.

Samantala, marami ang naatig sa kwento ni Mang Ramil at mga anak nito na nagbigay karangalan sa kanilang ama.

Noon pa man ay naririnig na natin sa mga nakatatanda at ating mga magulang na ang edukasyon ang tanging bagay na maipapamana nila sa atin kaya naman nararapat lamang na nsuklian natin ang pagsisikap at sakripisyo ng ating mga magulang maitaguyod lamang ang ating mga pangangailangan at mabigyan tayo ng magandang kinabukasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back to top button