News

Anak Ng Grab Driver, Ibinahagi Ang Pagkadismaya matapos Buhusan Ng Mainit Na Sabaw Ng Customer Ang Kaniyang Ama

Karamihan sa ating mga kababayan ay pinasok na din ang pagiging isang delivery rider, lalo na ngayong panahon ng pand3miya. Dahil nalimitahan na ang paglabas ng mga tao at pagpunta sa mga pampublikong lugar, nagbigay ito ng oportunidad para sa mga motorcycle riders na maging delivery rider ng mga pagkain o produkto. Ngunit kaakibat ng hanapbuhay na ito ay ang pang-aabuso mula sa mga customers, paghihirap, at kapahamakan sa kalsada.

Nitong Agosto 7, 2021 lamang ay ibinahagi ng netizen na si Esther Erin ang naging karanasan ng kaniyang ama na isang Grab driver sa isang mapang-abusong customer. Hindi napigilan ni Esther na i-post ang nangyari sa kaniyang Instagram account dahil sa awa sa kaniyang ama at para na din ipahayag ang dismaya niya.

Sa nasabing post ni Erin, ito ay pinamagatan niyang “A True Story About Grab Drivers” kung saan inilahad niya ang buhay ng isang grab rider at ang naging karanasan ng kaniyang mahal na ama.

Ayon kay Erin, alas-singko pa lamang ng madaling araw ay gising na ang kaniyang ama para masimulan ang trabaho bilang isang grab rider. Halos dose-oras umano itong nagtatrabaho sa loob lamang ng isang araw at 8pm na ng gabi kumain ng tanghalian. Ngunit ang pagod, gutom, at hirap na nararanasan ng kaniyang ama sa trabahong pinasok nito ay hindi iniinda ng kaniyang ama para lamang maitaguyod ang kanilang pang-araw-araw na buhay.

“The pain on his back and the hunger in his stomach were nothing compared to the worries in his mind: ‘Will I make enough deliveries today to cover the bills?’”

Kwento ni Erin, alas-sais ng gabi ng malapit na silang maghapunan ng pamilya ng mayroon daw biglang tumawag sa kaniyang ama na isang Korean food restaurant na may ipapa-deliver sa isang customer. Hindi na daw nagdalawang isip pa ang kaniyang ama na puntahan kaagad ang restaurant para i-deliver ang mga pagkain at iniwan na sila kahit hindi pa ito nakakapag-hapunan para lamang sa trabaho. Nakarating naman daw kaagad ang kaniyang ama sa naturang Korean restaurant at binati ang may-ari nito. Ngunit tanging masamang tingin lamang ang natanggap niya mula diot at sinabi na hindi ito pwede sa loob ng restaurant at kung maaari ay sa labas na lamang maghintay.

Halos 30 minuto umano na naghintay ang kaniyang ama sa labas ng Korean restaurant. Nakatanggap na nga ito ng mensahe mula sa customer.

“Why the f*ck is my food taking so long to arrive?”

Kinabahan naman ang kaniyang ama sa tila galit na mensahe ng customer kaya naman siya ay pumasok ulit sa restaurant upang i-follow up ang order ngunit sinigawan lamang siya ng may-ari at sinabing, “NOT READY! Grab drivers outside!”

Humingi na lamang ng pasensya sa galit na customer ang kaniyang ama dahil tanging paghihintay lamang ang magagawa nito. Ipinaliwanag din ng kaniyang ama na hinahanda pa lamang ang kaniyang order. Ngunit sa halip na pag-unawa ang matanggap ay pagbabanta na low rating lamang ang ibibigay ng customer sa kaniyang ama.

Saad ng customer,

“I’m going to give you LOW RATING”

Halos 20 minuto din ang hinintay ng kaniyang ama bago tuluyan na nai-deliver ang pagkain sa customer. Nanghingi naman kaagad ang kaniyang ama ng pasensya sa customer ngunit sinigawan lamang siya nito at sinabing, “You jangan kurang ajar!” (You don’t be disrespectful!)”

Bukod sa masasakit na salita na natanggap ng kaniyang ama, binuhos pa ng customer ang ‘piping hot bowl of soup’ na in-order nito sa kaniyang ama, sabay sabing “So f*cking long better don’t deliver next time!”

Saad naman ni Erin ay normal na para sa kaniyang ama ang mga ganitong karanasan. Madalas din daw talagang maka-engkwentro ang ama niyang isang grab rider na mga nagmumura at bastos na customer ngunit hindi nito inaasahan na makakatanggap ito ng pang-aabuso. Gayunpaman, hindi na inalintana pa ng ama ni Erin ang physical at emotional abu4e na naranasan at inisip na lamang na siya ay maswerte pa din dahil may trabaho siya kahit sa gitna ng pand3miya.

Dalawang oras din daw ang inabot bago makauwi ang kaniyang ama. Laking gulat na lamang ng makita nila na may paso na sa balat ito at basa na din ang damit dahil sa mainit na sabaw. Maliban pa diyan, namamaga din ang mga mata ng kaniyang ama na tila ba ito ay galing sa pag-iyak. Sobrang sakit para kay Erin na makita sa ganung sitwasyon ang kaniyang ama na wala namang ginawa kundi magtrabaho at magsumikap lamang sa buhay para maitaguyod ang kanilang pamilya.

“It hurts me, even more, knowing that my father is the victim of emotional and physical abuse. Could you stand to see your father get bullied and all you could do is pat them on the back and tell them ‘everything is going to be okay?”

Hangad ni Erin na sana ay magsilbing pang-unawa ang kwento na ibinahagi niya para sa mga customers na maging marespeto sa lahat ng delivery riders dahil napakahirap din naman ng kanilang trabaho. Tanging paggalang at respeto lamang ang kanilang maisusukli para sa mga katulad ng kaniyang ama bilang pagsusumikap at paghihirap ng mga ito na maayos at mabilis na mapaabot ang kanilang mga inorder.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back to top button